Nasawi ang isang Pilipinong seafarer habang ligtas naman ang 21 iba pang Pinoy na tripulante matapos ang pagsabog sa isang oil tanker sa Persian Gulf noong Nobyembre 5.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), patungo sa Sitrah, Bahrain ang MT Velos Sapphire nang mangyari ang pagsabog. Sa paunang ulat, posibleng drone attack ang sanhi ng insidente ngunit hindi pa ito kumpirmado.
Samantala, ipinaalam na sa pamilya ng nasawing seafarer ang insidente at tiniyak ng may-ari ng barko na tutulungan sila. Patuloy pang iniimbestigahan ang tunay na dahilan ng pagsabog.
📷 MT Velos Sapphire
