Malaki ang tiyansang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Cempaka ngayong Lunes, Nobyembre 9, at tatawagin itong “Samuel,” ayon sa PAGASA.
Gayunpaman, wala itong magiging direktang epekto sa lagay ng panahon sa bansa dahil agad itong liliko palabas ng PAR bukas, Nobyembre 10.
