Magiging maulap at maulan ang panahon ngayong Miyerkules, Setyembre 30, sa Negros Island Region, Zamboanga Peninsula, at Palawan dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Habang bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang mararanasan ng Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon dulot ng localized thunderstorms.

