Sa loob lamang ng halos dalawang minuto, inaprubahan ng Senado ang ₱785.2 milyong budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2027.
Mas mababa ito ng 11.7% kumpara sa ₱889.2 milyong pondo ng ahensya ngayong taon.
Walang senador ang nagtanong o humingi ng paliwanag bago aprubahan ang pondo, kahit personal na dumalo sa pagdinig si Vice President Sara Duterte.
Kabilang sa mga programang popondohan ang libreng sakay para sa 1.2 milyong pasahero, programang PagbaBAGo para sa 150,000 mag-aaral, at R.I.I.C.E. food bag initiative para sa 30,000 benepisyaryo. May nakalaan ding pondo para sa mga pamilyang maaapektuhan ng kalamidad.
📷 OVP



