Iginiit ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na may problema siya sa pag-iisip at memorya na nakaaapekto sa kaniyang pag-unawa sa mga kasong crimes against humanity na kinakaharap niya sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Atty. Peter Haynes, halos wala na umanong naitutulong si Duterte sa paghahanda ng kaniyang depensa dahil nahihirapan siyang umunawa at makaalala ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kaso.
Dagdag pa niya, nakakalimutan umano ni Duterte ang mga napag-uusapan kahit ilang oras pa lamang ang nakalilipas.
Gayunman, nakatakdang magsimula ang kaniyang trial sa Nobyembre 30.
📷 ICC



