Nahuli ang isang 22-anyos na call center agent matapos nakawan umano ang kaniyang landlord at roommate sa isang condominium sa Barangay Pasong Putik Proper, Quezon City.
Nawalan ng cellphone ang isang biktima habang wireless earphones naman ang nawawala sa isa pa. Natukoy ang suspek sa tulong ng CCTV footage at mga post ng mga biktima sa social media matapos nitong tangkaing ibenta online ang mga ninakaw na gadget.
Sa follow-up operation at pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa Bacoor, Cavite, naaresto ang suspek at nabawi ang mga ninakaw na gamit na nagkakahalaga ng mahigit ₱37,000.
Nahaharap siya sa dalawang bilang ng kasong theft at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.
📷 QCPD PS 16 | via Jim Tejano


