Nagpasya ang AirAsia Philippines na magbawas ng mga empleyado dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng jet fuel at hindi paborableng palitan ng piso kontra dolyar.
Ayon sa AirAsia Philippines Pilots Union (APPU), posibleng maapektuhan ang tinatayang 90 hanggang 96 na piloto, gayundin ang mga cabin crew at iba pang kawani. Gayunman, hindi pa inilalabas ng airline ang opisyal na bilang ng mga tatanggalin.
Sa pahayag ng AirAsia Philippines, kinailangan nilang suriin at baguhin ang mga ruta at iskedyul ng biyahe upang mabawasan ang gastos at magpatuloy ang kanilang operasyon.
📷 AirAsia



