Dalawang pasahero ang nasawi habang siyam na iba pa, kabilang ang driver, ang nagtamo ng minor injuries matapos bumangga sa puno ang isang van sa National Road, Barangay Saravia, Koronadal City, dakong alas-11:50 ng gabi nitong Huwebes, Nobyembre 26.
Ang mga nasawi ay isang 36-anyos na asawa ng driver at ang 65-anyos na ina ng driver, na kapwa dead on the spot. Kabilang sa mga nasugatan ang tatlong menor de edad na edad 8, 7, at 3, na isinugod sa South Cotabato Provincial Hospital.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Koronadal City Police, patungong Tupi ang van mula Koronadal City Proper nang bigla itong lumihis sa kanang bahagi ng kalsada at bumangga sa puno. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng aksidente.
📹 Yubie Ayob | via Amor Musico

