Isinumite ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang 63 dokumento at iba pang ebidensiya sa International Criminal Court (ICC) bago magsimula ang paglilitis sa kaniya sa Nobyembre 30.
Kabilang sa mga ito ang mga balita, ulat, larawan, legal na dokumento at 17 batas na nilagdaan niya noong panahon ng kaniyang panunungkulan. Isinama rin ng depensa ang ilang ordinansa sa Davao City at mga ulat tungkol sa kampanya kontra ilegal na droga at umano’y extrajudicial killings (EJK).
Ayon sa depensa, nagpatupad din ang dating pangulo ng mga programa para sa libreng serbisyong pangkalusugan, edukasyon at rehabilitasyon ng mga gumagamit ng ilegal na droga.
Gayunman, hindi ipinaliwanag kung paano gagamitin ang bawat dokumento bilang ebidensiya sa paglilitis.
📷 ICC



