Isinailalim sa 90-day preventive suspension ang lisensya ng driver ng pickup truck na nasangkot sa viral road rage incident sa Pasig City, ayon sa Land Transportation Office (LTO).
Batay sa salaysay ng rider, nagtangkang mag-overtake at nag-counterflow umano ang pickup truck habang nagpapalit siya ng lane. Nang paalalahanan ang driver na sumunod sa batas-trapiko, inilapit umano nito ang sasakyan sa motorsiklo at kalaunan ay binangga ito, dahilan upang masira ang side mirror.
Ipinakilala rin umano ng driver ang sarili bilang empleyado ng LTO. Naglabas ang ahensya ng Show Cause Order at inatasan siyang humarap sa pagdinig sa Disyembre 3 upang sagutin ang mga alegasyon. Inilagay na rin sa alarm status ang pickup truck na ginamit sa insidente.
📸 Land Transportation Office - Philippines


