Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Company (Meralco) na mag-refund ng kabuuang ₱1.987 bilyon sa mga konsumer matapos hindi payagan ang pagsingil sa ilang gastusin nito para sa pension at employee benefits.
Para sa mga residential consumer, katumbas ito ng refund na ₱0.2611 kada kilowatt-hour (kWh), na ipatutupad sa loob ng tatlong buwan. Halimbawa, ang sambahayang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan ay makatatanggap ng tinatayang ₱52 na bawas sa bill bawat buwan o halos ₱157 sa loob ng tatlong buwan.
Makikita ang refund bilang hiwalay na item na “RAB Refund” sa bill simula sa susunod na billing cycle matapos matanggap ng Meralco ang kautusan ng ERC.
Bahagi ang hakbang ng pagsunod ng ERC sa desisyon ng Korte Suprema na muling suriin ang halaga ng mga ari-arian ng Meralco at ang mga gastusing maaaring ipasa sa mga konsumer.
📸 Reuters


