Naghain sina Senador Imee Marcos at Robin Padilla ng resolusyon na humihiling sa pamahalaan na itigil ang pakikipagtulungan sa International Criminal Court (ICC).
Sa ilalim ng Senate Resolution No. 797, dapat gamitin umano ang lahat ng legal at diplomatikong paraan upang mapalaya at maiuwi sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Hiniling din nilang itigil ng pamahalaan ang mga hakbang para ipatupad ang arrest warrant ng ICC laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon sa dalawang senador, dapat muling suriin ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa ICC dahil umatras na ang bansa sa Rome Statute noong 2019.
Iginiit din nilang dapat manaig ang Konstitusyon, ang mga karapatan ng mga Pilipino at ang kapangyarihan ng bansa na litisin ang mga kasong saklaw ng batas nito.
📷 Sen. Imee Marcos



