Inimbestigahan ng mga awtoridad ang umano’y ilegal na operasyon ng fish cages sa Calpay Shoal, Cabalitian Island, Sual, Pangasinan.
Sa isinagawang inspeksyon, nakita ang ilang fish cage na nasa labas ng itinalagang mariculture zone. Ayon sa Coast Guard, naalis na ang ilang istruktura habang ang iba naman ay inihahanda para ilipat sa tamang lugar.
📷 Coast Guard District North Western Luzon



