Sinabi ni Vice President Sara Duterte na hindi pa nila napag-uusapan ng kaniyang kampo kung haharap siya bilang testigo sa impeachment trial.
Ayon kay VP Sara, malapit nang matapos ang depensa sa paghaharap ng kanilang mga ebidensya kaya hindi pa tiyak kung kakailanganin ang kaniyang pagtestigo upang sagutin ang alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman.



