Iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nasa 29 milyon na ang mga punong niyog na naitanim sa ilalim ng coconut replanting program ng administrasyon, batay sa datos hanggang Oktubre 2026. Target ng pamahalaan na makapagtanim ng 100 milyon bago matapos ang kaniyang termino.
Inihayag ito ni Marcos sa paglagda ng memorandum of understanding (MOU) para sa panibagong partnership sa pribadong sektor na naglalayong magtanim ng karagdagang 10 milyong puno ng niyog sa Mindanao. Saklaw nito ang pamamahagi ng sampung milyong de-kalidad na binhi sa 100,000 maliliit na magsasaka upang mapalitan ang mga matatandang punong hindi na gaanong produktibo.
Ayon sa Pangulo, mahalaga ang pagpapalawak ng pagtatanim dahil marami na sa mga puno ng niyog sa bansa ang tumatanda at bumababa ang produktibidad. Mahigit 60 porsiyento naman ng produksyon ng niyog sa bansa ay nagmumula sa Mindanao.
📸 Reuters



