Tinanggal sa puwesto ang apat na district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa mga alegasyon ng korapsyon, pagsusumite ng pekeng dokumento at extortion.
Kabilang sa mga tinanggal sina Hermon Ines ng Tarlac 1st District Engineering Office, Saidale Mitmug ng Cotabato 3rd DEO, Clifton Valencerina ng Apayao 2nd DEO at Amron Mitmug ng Lanao del Norte 2nd DEO.
Samantala, natuklasan sa audit ng DPWH na 59 na proyekto sa panukalang 2027 national budget ang hindi maaaring ipatupad dahil sa mga pekeng dokumento, ayon kay DPWH Secretary Giovanni Lopez.



