Iginiit ni lead defense counsel Atty. Sheila Sison na dapat ang prosekusyon ang magpakita ng mga dokumentong magpapatunay na iba ang mga property na nakasaad sa SALN ni Vice President Sara Duterte sa mga tinukoy ng kanilang mga testigo.
Ayon kay Sison, kung naniniwala ang prosekusyon na magkaibang property ang mga ito, dapat itong magharap ng karagdagang tax declaration, deed of absolute sale at iba pang dokumento bilang patunay.
Tinawag din niyang “hairsplitting” o masyadong pagtuon sa maliliit na pagkakaiba ang argumento ng prosekusyon at iginiit na iisang property lamang ang tinutukoy sa mga dokumento.


