Nasa Pilipinas na ang Hollywood actress na si Angelina Jolie para dumalo sa 2026 ASEAN Inclusive Growth Summit sa Maynila, kung saan magsisilbi siyang tagapagsalita.
Makakasama ng Academy Award-winning actress at filmmaker ang mga lider mula sa iba't ibang sektor upang talakayin ang mga oportunidad at ang pagbuo ng mas matatag na kinabukasan sa buong Southeast Asia.
Bukas, Nobyembre 11, makakasama niya ang Cambodian filmmaker na si Rithy Panh sa talakayang pinamagatang “From Memory to Possibility: Cambodia, Courage and the Power of Staying.”
Layunin ng talakayan na mahikayat ang mga panauhin na suportahan ang mga komunidad sa Cambodia at makatulong sa pag-unlad ng bansa.
📷: Angelina Jolie, Reuters



