Ipapakalat ng Philippine National Police (PNP) ang halos 19,869 pulis upang tiyakin ang seguridad sa 49th ASEAN Summit and Related Summits na gaganapin sa Nobyembre 16 hanggang 18.
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., babantayan ng mga pulis ang mga venue, hotel, mga billeting area, at mga motorcade route para matiyak ang kaligtasan ng mga lider ng bansa at mga foreign delegate.
📷: PNA



