Kinumpirma ang data breach sa mga account ng mga user ng digital platforms ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Posibleng nakuha ng hindi awtorisadong tao ang pangalan, email address, cellphone number, address at Tax Identification Number (TIN) ng ilang user dahil sa malware. Hindi pa tinukoy ang kabuuang bilang ng mga apektado.
Tiniyak naman ng ahensya na walang password na nakuha, walang datos na binago at walang impormasyon ng mga kumpanya ang nadamay.



