Naghahanda si election lawyer Atty. Romulo Macalintal na magsampa ng motion for reconsideration sa Korte Suprema kaugnay ng desisyon nitong pagtibayin ang batas na nagpaliban sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at nagpalawig sa termino ng mga kasalukuyang opisyal ng barangay.
Ayon kay Macalintal, ihahain niya ang mosyon ngayong linggo at pinag-aaralan kung hihilingin ang buo o bahagyang reconsideration ng desisyon.



