Nagbabala ang Department of Energy (DOE) na posibleng magkaroon ng kakulangan sa supply ng kuryente sa Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa inaasahang Super El Niño.
Ayon kay DOE Sec. Sharon Garin, maaaring bumaba ang produksyon ng mga power plant dahil sa matinding init habang tumataas naman ang demand sa kuryente. Inaasahang mararamdaman ang epekto nito mula sa huling bahagi ng 2026 hanggang unang bahagi ng 2027.
Sa pagsusuri ng ahensya, posibleng magkaroon ng apat na red alert sa Visayas, isa sa Luzon at dalawa sa Mindanao kung hindi agad matutugunan ang kakulangan sa supply.



