Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na umano’y gumamit ng pekeng Filipino identity na sangkot din sa pagpatay sa dalawang Chinese national sa Parañaque City noong 2022.
Naaresto ang 36-anyos na suspek nitong Linggo ng madaling-araw, Nobyembre 8, pagdating niya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 mula Hanoi, Vietnam.
Ayon sa BI, nakakuha umano ng Philippine passport ang suspek gamit ang birth certificate na nakuha sa pamamagitan ng kaniyang pekeng Filipino identity.
Nananatili sa kustodiya ng BI ang suspek habang isinasagawa ang immigration proceedings. Isusulong din ng ahensya ang deportation at permanenteng blacklisting sa kaniya.
📷: PNA



