Umaasa si Presiding Officer Senator Chiz Escudero na matatapos nila ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bago matapos ang taon.
Sinabi ni Escudero na kanino mang panig ang manaig, sana raw ay matapos ang paglilitis upang may panibagong yugto silang haharapin sa susunod na taon.
Sa harap nito, iginiit ni Escudero na wala silang sinusundan na timeline sa nagpapatuloy na paglilitis, pero umaasa siya na magiging mabilis ang presentasyon ng defense team sa mga susunod na araw.
via Mar Gabriel


