Nakatakdang makipagpulong si US President Donald Trump kay Qatar Prime Minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman Al-Thani sa Washington ngayong Martes, Nobyembre 11, upang talakayin ang mga hakbang para mawakasan ang digmaan sa Iran.
Kasama ring dadalo sa pulong si US Vice President JD Vance. Kabilang sa hinihingi ng Iran ang pagtigil ng US blockade sa mga pantalan nito, pag-alis ng ilang economic sanctions, at pagtigil ng pambobomba kapalit ng pag-alis ng mga balakid nito sa Strait of Hormuz.
Gayunman, ilang opisyal ng Estados Unidos ang tumutol sa panukala at nagpahayag ng pagdududa sa posibilidad ng agarang kasunduan.
Patuloy rin ang palitan ng pag-atake ng magkabilang panig, kabilang ang iniulat na pag-atake ng Estados Unidos sa Qeshm Island at mga insidente laban sa mga tanker sa Gulf at Strait of Hormuz.
📷: Reuters



