Binigyan ng Department of Transportation (DOTr) ng tatlong opsyon ang mga pasaherong maaapektuhan ang flights dahil sa pagdating at pag-alis ng mga lider ng iba't ibang bansa para sa 49th ASEAN Summit.
Ayon sa DOTr, maaaring magpa-rebook nang walang bayad, humingi ng full refund, o kumuha ng travel fund na magagamit sa susunod na booking.
Pinapayuhan ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airlines para sa karagdagang detalye.
Sinabi naman ng DOTr na mahigit 300 flights ang maaapektuhan ng aktibidad.



