Sinabi ni Vice President Sara Duterte na naglunsad ng mental health program ang Office of the Vice President (OVP) dahil kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Binanggit ito ng bise presidente sa Filipino community sa Hong Kong.
Ayon kay VP Sara, kumuha sila ng mga eksperto matapos mapansing naaapektuhan ang mga empleyado ng OVP sa mga batikos laban sa kaniya. Aniya:
“Walang mental health program noon ang Office of the Vice President pero dahil kay BBM, meron kami, nagtawag kami ng mga experts.
Alam n'yo bakit?
Kasi kapag binabanatan nila ako, naapektuhan 'yong mga tao sa opisina.
Nag-iiyakan, natatakot, hindi nila alam kung ano 'yong nararamdaman nila.”



