Hindi umano dumaan sa regular na proseso ang nasa 400 infrastructure projects na nagkakahalaga ng ₱27 bilyon at nakalistang iminungkahi ni dating House Speaker Martin Romualdez, ayon sa isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa pagdinig sa kaniyang bail petition, sinabi ni DPWH Programming Division and Planning Service Chief Peter Paul Cortez na hindi isinama sa National Expenditure Program ang mga proyektong ipinabilang umano sa listahan ni yumaong DPWH Undersecretary Esperanza Cabral. Tinawag niya ang mga ito na mga insertion.
Nahaharap si Romualdez sa kasong plunder na nagkakahalaga ng ₱7.4 bilyon sa Sandiganbayan. Paulit-ulit naman niyang itinanggi ang alegasyong tumanggap siya ng kickback mula sa mga proyekto ng pamahalaan.



