Pinayuhan ni Vice President Sara Duterte ang Marcos administration na huwag makipag-away ang Pilipinas sa ibang bansa, kabilang ang China. Iginiit ng bise presidente na mas nararapat lutasin ang mga hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng diplomasya.
Sa pakikipagpulong ni Duterte sa mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong nitong Linggo, Nobyembre 8, sinabi ni VP Sara na dapat unahin ang pambansang interes at hayaang mga diplomat ang makipag-usap sa ibang bansa sa halip na mauwi sa mainitang palitan ng pahayag sa publiko ng mga opisyal.
Iginiit naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inaasahang susunod ang lahat ng opisyal ng pamahalaan sa mga direktiba ng Pangulo hinggil sa ganitong usapin.
📷: OVP



