Nasawi sa ospital ang 24-anyos na suspek sa pamamaril sa Krakow, Poland noong Sabado, Nobyembre 7. Anim na katao ang namatay dahil sa pamamaril, ayon sa pulisya.
Binaril at inaresto ng mga pulis ang suspek ilang minuto matapos niyang pagbabarilin ang mga tao habang nasa loob ng kaniyang sasakyan sa isang makasaysayang plaza ng Krakow.
Hindi bababa sa 16 katao ang nasugatan sa insidente. Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy kung mag-isa kumilos ang suspek o may impluwensiya ng anumang grupo.
📷: Reuters


