Pinayagan ni Senate Presiding Officer Chiz Escudero ang testigo na si Engr. John Kenneth Enumerables na sagutin ang tanong ng depensa tungkol sa pagdedeklara ni Vice President Sara Duterte ng isang property sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Tinanggihan ni Escudero ang pagtutol ng House private prosecutor na si Jay Tolosa sa tanong ng defense lawyer na si Lindon Bacquel kung isinama ng bise presidente ang naturang property sa kaniyang SALN.
Ayon kay Escudero, maaari itong sagutin ng testigo kung alam niya ang tungkol sa property at mapapatunayang ito ang tinutukoy sa tanong.


