Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa pamahalaan na paghandaan ang supply ng pagkain sa bansa sa gitna ng inaasahang matinding epekto ng El Niño, sa halip na umasa lamang sa paghahanda ng mga balde para sa pag-iipon ng tubig-ulan.
Ayon kay VP Sara, posibleng maapektuhan ng tagtuyot ang mga pananim na maaaring magresulta sa kakulangan sa suplay ng pagkain at pangangailangang mag-angkat.
Batay sa PAGASA, inaasahang magpapatuloy ang El Niño hanggang sa unang quarter ng 2027, habang posibleng maranasan ang pinakamataas na epekto nito bago matapos ang 2026.
📷: OVP



