Sa pagdinig ng impeachment trial nitong Nobyembre 12, hiniling ni Sen. Robin Padilla na suriin din ng prosekusyon ang marangyang pamumuhay at mga ari-arian ng mga kasamahan nilang mambabatas bago magbato ng mga alegasyon laban kay Vice President Sara Duterte. Binigyang-diin ni Padilla na dapat ding tingnan ang kalagayan ng mga kapwa mambabatas bago manghusga ng kapwa.
Binanggit din ng senador na may mga kasama sa prosekusyon ang nagmamay-ari ng mga mamahaling sasakyan gaya ng Mercedes-Benz na nagkakahalaga ng ₱16 milyon hanggang ₱22 milyon.
Samantala, ipagpapatuloy ang impeachment trial sa Nobyembre 19, alas-10:00 ng umaga.


