Tinanggihan ng Sandiganbayan Third Division ang hiling ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na payagang magsumite ng demurrer to evidence upang ipabasura ang kasong malversation kaugnay ng umano’y ₱92.8-milyong flood control project sa Bulacan.
Ang demurrer to evidence ay mosyon na humihiling na ibasura ang kaso dahil sa kahinaan ng ebidensiya ng prosecution. Nakatala na sa records ng korte ang kalakip na demurrer ni Revilla, ngunit hindi ito nangangahulugang inaprubahan ang kaniyang kahilingan.
Nasa piyansa si Revilla matapos itong payagan ng Sandiganbayan noong Hulyo 31, sa botong 2-1. Samantala, ibinasura rin ng korte ang mga petisyon sa piyansa ng iba pang dating opisyal ng DPWH na kasama sa kaso.


