Arestado ang 16 na mangingisda sa isinagawang anti-illegal fishing operation sa Barangay Balesin, Polillo, Quezon.
Nasamsam sa operasyon ang mga bangka, makina, fishing equipment, at nasa 650 kilo ng isda na tinatayang nagkakahalaga ng ₱3.65 milyon.
Ayon kay PCPT Jojo J. Pangilinan, hepe ng Polillo Municipal Police Station, dalawa sa mga suspek ang sinampahan ng kaso sa ilalim ng Philippine Fisheries Code, habang 14 naman ang nahaharap sa paglabag sa lokal na ordinansa. | via Martin Banaag
📹: Polillo MPS

