Umabot na sa ₱19.61 trilyon ang kabuuang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng Agosto, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr). Mas mataas ito ng ₱217.62 bilyon o 1.12% kumpara sa ₱19.39 trilyon noong Hulyo.
Ayon sa BTr, pinakamalaking bahagi ng naturang utang ay ang domestic debt o utang sa loob ng bansa na umabot sa ₱13.24 trilyon. Samantala, umabot naman sa ₱6.37 trilyon ang external debt o utang mula sa ibang bansa.
Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng external debt ang paghina ng piso kontra dolyar.


