Napigilan ng mga pasahero at crew ang co-pilot ng Flydubai Flight FZ1073 matapos umano nitong tangkaing pabagsakin ang eroplano habang nasa himpapawid patungong Israel nitong Miyerkules, Setyembre 30.
Ayon sa mga opisyal ng Israel, sinaksak umano ng co-pilot ang pilot, dahilan para biglang bumaba ang eroplano nang halos 14,000 ft. sa loob ng wala pang 30 segundo.
Ligtas namang nailapag ang eroplano sa Tabuk, Saudi Arabia. Matapos ang karagdagang pagsusuri sa mga pasahero, isinakay sila sa kapalit na eroplano patungong Tel Aviv.

