Arestado ang isang lalaking gwardya ng isang supermarket matapos umanong mang-holdap ng isang sanglaan sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Sinabi ng suspek na toy gun lamang ang ginamit niya sa panghoholdap at agad niya itong itinapon.
Ayon sa Lapu-Lapu Police Station 3, tinangay ng suspek ang ₱21,000 na kita ng sanglaan. Humingi naman ng tawad ang suspek sa pamunuan ng establisimyento. Sinampahan ang lalaki ng reklamong robbery.


