Nasawi ang isang 28-anyos na lalaki matapos barilin ng mga hindi pa nakikilalang armadong suspek habang nagbubukas ng kaniyang mini store sa Barangay Malinis, Lamitan City, Basilan.
Kinilala ang biktima na residente ng naturang lugar. Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, nilapitan siya ng mga suspek na nakasakay sa motorsiklo at binaril. Nagtamo siya ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan at idineklarang dead on arrival sa ospital.
Naglunsad na ng hot pursuit operation at masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy at madakip ang mga suspek at alamin ang motibo sa pamamaril. | via Grace Alconaba
📷: Lamitan City Police


