Ibinasura ng Sandiganbayan Third Division ang Motion for Inhibition ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. kaugnay ng umano’y conflict of interest kay Associate Justice Karl Miranda.
Sa ikalawang mosyon ng kampo ni Revilla, sinabi nilang kapatid ni Justice Miranda si Atty. Buenaventura Miranda, ang tumatayong legal counsel ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo.
Si Bernardo ay isa sa mga testigo laban kay dating senador Revilla sa kasong kinakaharap sa anti-graft court na may kaugnayan sa maanomalyang flood control projects sa Pandi, Bulacan. | via TJay Mendoza



