Mariing itinanggi ni Senador Jinggoy Estrada ang pahayag ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan kaugnay ng ₱7.4 bilyong halaga ng mga “congressional initiatives” na umano’y isinama sa 2025 national budget.
Ayon kay Estrada, walang opisyal na dokumentong nag-uugnay sa kaniya sa umano’y pagdaragdag ng mga proyekto ng DPWH sa budget.
Itinuro rin niya ang ulat ng Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) ng Senado, na nagsabing wala itong nakitang dokumentong nagpapatunay na nagpasok o nagbago si Estrada ng mga proyekto sa naturang pondo.

