May anim na persons of interest na ang pulisya kaugnay ng pagpaslang kay Charles Usi, isang 22-anyos na musikero at working student sa San Jose, Batangas.
Ayon sa San Jose Municipal Police, apat sa kanila ang natukoy batay sa pahayag ng isang saksi.
Sinusuri ng mga imbestigador ang posibleng motibong may kaugnayan sa usaping pag-ibig o alitan sa trabaho.
Matatandaang binaril si Usi ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo noong Linggo habang pauwi mula sa isang pagtatanghal sa Lipa City.
📷: Charles Usi



