Sinibak sa puwesto si Luisiana, Laguna Mayor Jomapher Uy Alvarez dahil sa kasong grave misconduct, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Kabilang sa mga parusa kay Alvarez ang pagkansela ng kaniyang eligibility sa serbisyo publiko, pagkawala ng mga benepisyo sa pagreretiro, at pagbabawal na kumuha ng pagsusulit para sa civil service.
Awtomatikong papalit sa kaniya bilang alkalde si Vice Mayor Jonieces Acaylar.



