Kinuwestiyon ng Senado at ni Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab ang mga kakulangan at pagbabago sa panukalang 2027 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kabilang dito ang mga proyektong may kulang na detalye na nagkakahalaga ng ₱455 bilyon, pagsama ng ₱15 bilyong Special Road Fund sa ibang budget item, at umano’y hindi pantay na alokasyon sa mga congressional district.
Nagbabala ang Senado na maaaring magamit sa katiwalian ang mga proyektong walang kumpletong dokumento, habang iginiit ni Ungab ang pangangailangan ng mas malinaw na paglalaan at pagsubaybay sa pondo ng imprastraktura.
📷: DPWH


