Itinuturing ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na utak umano sa tangkang pagpupuslit ng 521 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱3.5 bilyon mula Laos patungong Pilipinas ang dating Bangsamoro parliament member na si Sultan Edrieza Hadji Nasser Rimbang.
Ayon sa PDEA, si Rimbang umano ang nagplano at nagpondo sa pag-charter ng pribadong eroplano na nasabat sa Laos.
Patuloy ang imbestigasyon sa kaniyang mga posibleng kasabwat at koneksiyon sa international drug syndicate.



