Nasawi ang isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) habang kritikal naman ang isa pa matapos silang tambangan ng dalawang armadong suspek sa Roman Vilo Street, Poblacion 6, Cotabato City, pasado alas-12 ng tanghali.
Ayon sa paunang imbestigasyon, sakay ng maroon na sasakyan ang mga biktima at papunta sa kanilang istasyon nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng itim na motorsiklo.
Idineklarang dead on arrival sa ospital ang nasawing tauhan matapos tamaan ng bala sa likod ng ulo. Sugatan naman ang isa pa matapos tamaan sa kaliwang bahagi ng ulo.
Narekober sa pinangyarihan ang pitong basyo ng bala na pinaniniwalaang mula sa 9mm na baril.
📸: PRO-BAR
Via: Ely Dumaboc

