Nasawi ang isang 44-anyos na magsasaka matapos tagain sa leeg ng kaniyang kainuman na 27-anyos kasunod ng mainit na pagtatalo sa Sitio Lanao, Barangay Keytodac, Sultan Kudarat, nitong Linggo ng hapon, Oktubre 18.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima at suspek bandang 12:45 ng tanghali nang mauwi sa pagtatalo ang kanilang pag-uusap. Bigla umanong naglabas ng itak ang suspek at tinaga sa leeg ang biktima, na agad na ikinasawi nito.
Kusang sumuko ang suspek sa barangay ilang sandali matapos ang insidente at pagkatapos ay itinurn-over sa mga rumespondeng pulis. Kasalukuyan siyang nakakulong sa Lebak Municipal Police Station habang inihahanda ang kaukulang kasong kriminal laban sa kaniya. | via Jannice Ann Cabaña

