Nahuli ng pulisya ang isa sa limang suspek sa pagpatay sa mag-asawang negosyante sa Mauban, Quezon, na naganap noong Agosto 27.
Â
Ayon sa pulisya, ang naarestong suspek ang itinuturo ng anak ng mga biktima bilang mastermind umano sa krimen at nagplano ng pagpatay sa kaniyang mga magulang kapalit ng pera.
Â
Narekober din mula sa suspek ang isang patalim at hinihinalang ilegal na droga. Nahaharap siya sa kasong murder habang patuloy pang hinahanap ang iba pang suspek.
Â
| via Martin Banaag
Â
📸: Mauban MPS



