Nasawi ang isang rider matapos sumemplang nang mabangga ang isang asong biglang tumawid sa national highway sa Midsayap, Cotabato.
Batay sa CCTV footage, makikita ang biglang pagtawid ng aso na naging sanhi ng pagsemplang ng biktima sa madilim na bahagi ng kalsada. Ilang saglit lamang ang lumipas nang magkasunod na dumaan ang apat na motorsiklo at masagasaan ang rider na nakahandusay sa daan.
Ayon sa pulisya, ang paulit-ulit na pagkakasagasa ang naging dahilan ng pagkasawi ng biktima. Maaari umanong papanagutin ang mga rider na nakasagasa sa kaniya, ngunit batay sa ulat, wala na umanong balak magsampa ng kaso ang pamilya ng nasawi.
| via Amor Musico
📹: Contributed


