Natumba ang isang utility post sa kanto ng Lawton Road, malapit sa McArthur Bridge sa Maynila, nitong Linggo, Oktubre 11.
Dahil sa insidente, isinara ang McArthur Bridge sa mga sasakyan. Hindi pa batid ang dahilan ng pagkakatumba ng poste.
Pinapayuhan ang mga motorista na sumunod sa mga abiso ng mga awtoridad at gumamit ng alternatibong ruta habang sarado ang tulay. | via Hannah Dulay
📹: Kelly Cordero